Beterano at popular na media man na dating mayor pinaslang

Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang kilalang media community member, si Juan Dayang, ng pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Villa Salvacion sa Kalibo, Aklan.

Ang peryodistang si Dayang, dating mayor ng Aklan, ay naging chairman din ng Publishers Association of the Philippines, isang grupo ng mga government-accredited na mga national at regional newspapers.

Pinasok sa kanyang tahanan si Dayang ng isang lalaking naka-bonnet at agad na pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang salarin.

Si Dayang ay respetadong kasapi ng media community sa bansa. Naging president din siya ng Manila Overseas Press Club at director ng National Press Club na ang tanggapan ay nasa Manila.

Hindi na umabot si Dayang ng buhay sa pagamutan kung saan siya isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas. (April 30, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *