COTABATO CITY (December 20, 2025) — Nag-turn over ng 800 boxes ng gamot para sa iba’t-ibang karamdaman at mga wheelchairs ang isang abogadong miyembro ng Bangsamoro regional parliament sa tatlong mga barangays sa Cotabato City nitong Huwebes, December 11.
Mismong si Member of Parliament Naguib Sinarimbo at ang public service team ng kanyang tanggapan ang siyang nag-deliver ng naturang supplies sa barangay center ng Rosary Heights 11 sa Cotabato City at doon na rin tinanggap ng mga officials ng Barangays Rosary Heights 10 at 13 sa lungsod ang kanilang mga parte ng naturang mga essential provisions.
Kinumpirma sa mga reporters nitong Sabado ng mga barangay officials sa Rosary Heights 10, 11 at 13 ang kanilang pagtanggap ng naturang mga essential supplies kasabay ng pagpapasalamat kay MP Sinarimbo, naging minister muna ng Ministry of the Interior and Local Government-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, bago naitalagang member of parliament, o MP, nitong March 2025 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ipinaabot sa mga reporters ng mga barangay officials sa Rosary Heights 10, 11 at 13 ang kanilang pasasalamat kay Sinarimbo sa nagpapatuloy na humanitarian projects ng kanyang tanggapan sa kanilang mga barangays at ilan pang mga lugar sa Cotabato City mula ng siya ay naitalagang member of parliament nitong March 2025.
Ang naturang mga essential supplies ay nabili gamit ang Transitional Development Impact Fund ng tanggapan ni Sinarimbo.
Pinasalamatan din ng mga barangay officials sa Rosary Heights 10, 11 at 13 si BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua sa kanyang suporta sa naturang public service activity, isang nagpapatuloy na Sinarimbo at ng public service team ng kanyang tanggapan.
