Malubhang nasugatan ang isang 31-anyos na barangay kagawad sa Zamboanga City sanhi ng ambush sa isang lugar sa lungsod nitong madaling araw ng Linggo, May 18, 2025.

Sa inisyal na ulat ng mga local officials at ng mga imbestigador mula sa Zamboanga City Police Office, sakay si Jake Niko Alaban Fabian ng kanyang motorsiklo ng tambangan ng mga armado sa madilim na bahagi ng isang kalye sa Tumaga Porcentro sa Barangay Tumaga.

Apat na mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang tinamo ng barangay kagawad sa Tumaga na si Fabian, na agad namang naisugod sa hospital ng mga emergency responders at mga pulis na tumugon sa insidente.

Mabilis na nakatakas ang mga tumambang kay Fabian, ayon sa mga kapwa niya barangay officials sa Tumaga. Magkatuwang na nagsisikap ang mga local officials sa Zamboanga City at mga kasapi ng lokal na pulisya sa pagkilala sa mga salarin na nagtangkang patayin si Fabian upang agad na masampahan ng kaso sa korte. (May 18, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *