Barangay chairman itinumba ng tandem

MANILA, Philippines (Pilipino Star Ngayon, Sept. 22, 2024) — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Barangay Chairman ng hindi pa nakilalang suspek sa garahe ng kanyang tahanan sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte nitong Biyernes ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Brgy. Chairman Jojo Bagay ng Brgy. 5, San Silvestre, San Nicolas, Ilocos Norte.

Unang termino pa lamang ng biktima sa posisyon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 1, nangyari ang krimen dakong alas-6 ng gabi nitong Biyernes sa garahe ng bahay ng biktima.

Nakaupo ang biktima nang dumating ang suspek na armado ng baril at walang sabi sabing pinagbabaril ang biktima.

Nagawa pa itong maisugod sa pagamutan ng kanilang mga kabarangay pero idineklara na itong dead-on-arrival ng doctor.

Mabilis namang tumakas na namataan ng mga residente na umangkas sa motorsiklo sa naghihintay nitong kasabwat sa krimen.

SOURCE: PILIPINO STAR NGAYON, SEPT. 22, 2024, JOY CANTOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *