KORONADAL CITY (November 1, 2025) — Limang magagandang dilag na wagi sa katatapos lang na 2025 Mutya ng Pulabato contest sa Barangay Pulabato sa Tampakan, South Cotabato at mga kandidatang hindi pinalad ang nagpahayag ng kagalakan na kanilang mas naiintindihan na kung ano ang maidudulot sa kanilang komunidad ng responsible mining kaugnay ng pagkakaroon ng malaking deposito ng copper at gold sa kanilang bayan.

Napiling mutya ng Pulabato sa naturang beauty contest nito lang nakalipas na linggo sina Shaneen Alliette Gulay. Nagwagi din sina Jenny Fer Inato bilang first runner-up, Angely Malayon, second runner-up, Crystal Ronggavilla, third runner-up at Nathalie Satinitigan, fourth runner-up.

Ang pageant ay bahagi ng 2nd Karyada Festival kaugnay ng 38th founding anniversary ng Barangay Pulabato noong October 18.

Ang mga pageant winners ay nagpahayag ng kagalakan matapos mabahagian ng sapat na kaalaman hinggil sa responsible mining, sa isang educational tour sa Sagittarius Mines Incorporated (SMI) Liberty Core Farm sa isang lugar sa Tampakan, bago ginanap ang beauty contest.

Ipinaliwanag sa kanila ng mga company experts, sa naturang dayalogo, ang mga positibong epekto ng gagawing responsible mining at environment-friendly at safe mining operations sa kanilang bayan.

Kasama nila sa naturang educational tour ang isa sa mga pageant organizers, si Jhemer John Gulay, na Sangguniang Kabataan chairman ng Pulabato,

Sa mga hiwalay na pahayag nitong Biyernes ng mga waging pageant participants, malawak na kaalaman ang kanilang natutunan hinggil sa mga positibong epekto ng responsible mining kaugnay ng nakatakda ng pagsisimula ng copper at gold mining sa kanilang bayan, ayon sa pahintulot ng national government na may lubusang pagsang-ayon din, sa mga hiwalay na kasulatan, ng tribong Blaan sa Tampakan at ng National Commission on Indigenous Peoples.

Naiulat ng mga himpilan ng mga radio sa Central Mindanao nitong umaga ng Sabado ang pahayag ng ilang mga Blaan community elders, mga municipal officials at barangay leaders sa Tampakan na malaking bagay ang patuloy na paglawak ng kagustuhan at lubusang pagsang-ayon ng local communities sa kanilang bayan at sa iba pang mga lugar sa probinsya ng South Cotabato at sa kabisera nitong Koronadal City na maisagawa na ang pagmimina ng copper at gold sa kanilang bayan sa pamamagitan ng nakatakda ng magsisimulang Tampakan Copper-Gold Project na magkatuwang na isasagawa ng national government at ng SMI.