Kinumpirma nitong Miyerkules, May 21, 2025, mismo ni Bangsamoro Health Minister Kadil Sinolinding, Jr. na may dalawang kumpirmadong kaso na ng nakakahawang MPOX disease sa mga bayan ng Sultan Kudarat at sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.
Ang dalawang bayan ay katabi ng Cotabato City, ang regional capital ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang MPOX disease ay isang viral disease na nagsasanhi ng pagkakaroon ng pantal-pantal sa katawan ng pasyente na parang chicken pox at lagnat. Ito ay nakakahawa at mabilis na kumalat sa mga nagkaroon ng direct contact sa mga nagkaroon nito.
Magkatuwang na nagsasagawa na ng mga kaukulang aksyon laban sa pagkalat ng MPOX disease ang tanggapan ng manggagamot na si Minister Sinolinding, Jr., at si BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua upang mapigil ang pagkalat nito sa iba pang mga bayan at mga lungsod sa autonomous region. (May 21, 2025)