Arestado ang isang 44-anyos na babaeng pasahero matapos mahulihan ng tinatayang P29 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Galing sa Kuala Lumpur, Malaysia ang suspek at naharang sa X-ray screening area, kung saan nadiskubre ang nasa 4.3 kilo ng ilegal na droga na nakatago sa isang itim na plastic bag.
Kasalukuyang nakakulong ang babae at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002