Ayuda sa mga pulis na nasawi at nasugatan sa madugong anti-shabu operation, tiniyak

Tiniyak nitong Biyernes ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na aalalayan ng PRO-BAR sa kanilang pagpapagamot ang dalawang pulis na nabaril ng mga shabu dealers sa isang entrapment operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte na nagsanhi din sa pagkamatay ng dalawa pang mga pulis.

Ginagamot na sa isang hospital sina Patrolman Jonel Ramos at Patrolman Eddie Sugarol habang ang mga bangkay naman ng kanilang mga kasama na sina Cpl. Kirt Sipin at Patrolwoman Roselyn Bulias at nakatakda ng ihahatid sa kani-kanilang mga pamilya ayon sa direktiba ni Macapaz.

Dinalaw ni Brig. Gen. Macapaz ang mga sugatang sina Ramos at Sugarol sa pagamutan nitong Biyernes, ilang oras matapos ang kanilang engkwentro sa apat na shabu dealers na target ng kanilang entrapment operations sana sa Crossing Simuay Area sa Sultan Kudarat.

Sa naturang entrapment operation, bibili sana ang mga nabanggit na mga operatiba ng drug enforcement unit ng PRO-BAR sa apat na dealers ng P6.8 million na halaga ng shabu ngunit ang mga ito ay naglabas ng mga baril at nagpaputok ng mahalatang mga pulis pala ang kanilang ka-transaksyon.

Dalawa sa mga suspects, sina ang sugatan din sa naturang insidente, sina Suhod Kasim at Ting Katulangan, ngayon nasa kustodiya na ng PRO-BAR. (Nov. 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *