Apat katao ang sugatan sa pambobomba ng pinaghihinalaang mga extortionists ng isang gasoline station sa Lamitan City sa Basilan nitong hapon ng Martes, June 17, 2025.
Kinumpirma nitong Miyerkules nila Lt. Col. Elmer Solon, Lamitan City police chief, at ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang pagkakasugat sa naturang insidente nila Jamil Mataud Mahmud, Naim Lamla Tomas, Reyyan Gunong at Mut-ab Muntasil Gunong, lahat mga residente ng naturang lungsod.
Ayon sa mga saksi at mga imbestigador ng Lamitan City Police Office, ang mga biktima ay nasa A.G. Gas Station sa gilid ng isang kalye sa Barangay Matibay ng biglang may sumabog sa kanilang kinaroroonan.
Nagtamo silang apat ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng ng kanilang katawan at agad na isinugod ng mga emergency responders at mga barangay officials sa Lamitan City District Hospital upang malapatan ng Lunas.
Ayon sa mga local executives at mga traditional community leaders sa Lamitan City, malakas ang indikasyon na mga
extortionists ang nasa likuran ng naturang pambobomba, naglalayong takutin ang may ari ng gasoline station upang mapilitang magbigay ng “protection money” sa may kagagawan nito. (June 18, 2025)
