Isang barangay kagawad ang napatay sa isang ambush sa Barangay Magugpo North sa Tagum City sa Davao del Norte nitong madaling araw ng Biyernes, June 13, 2025.
Sa inisyal na ulat ng Tagum City Police Office, minamaneho ng 43-anyos na si Jorge Josol, Jr. ang kanyang pick-up truck mula sa kung saan ng paputukan ng mga armadong nakaabang sa kanya sa Purok Pine Tree sa Barangay Magugpo North.
Si Josol ay barangay kagawad sa Magugpo North. Ang ambush na nagsanhi sa kanyang kamatayan at naganap hindi kalayuan sa kanilang tahanan sa Purok Pine Tree sa naturang barangay, ayon sa mga imbestigador ng pulisya na nagresponde sa insidente.
Ayon sa kanyang mga kapitbahay, bagama’t sugatan na, nagawa pang lumabas ng kanyang sasakyan si Josol, ngunit nahulog ito sa malalim na kanal sa gilid ng kalye at doon na nalagutan ng hininga.
Nagtutulungan ang mga local officials sa Tagum City at mga imbestigador ng pulisya sa pagkilala sa mga pumatay ka Josol na mabilis na nakatakas matapos siyang tambangan ng mga ito. (June 13, 2025, handout photos)
