Isang lumang passenger jeepney ang lumagpak sa malalim na gilid ng highway sa Tulungatong sa Zamboanga City nitong umaga ng Linggo, June 15, 2025.
Sa inisyal na ulat ng mga kinauukulan, nawalan ng control ang driver ng jeepney ng biglang nawalan ito ng preno kaya lumihis at bumulusok sa gilid ng highway.
Nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ang driver ng Jeepney, ayon sa mga barangay officials sa Tulungatong. (June 15, 2025, handout photo)
