Dalawang kasapi ng Philippine Army — sina Corporal Juner Vally at si Staff Sgt. Tiyamuat Alrasid — ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente nitong umaga ng Huwebes, June 5, 2025, sa Barangay Calarian sa Zamboanga City.
Sakay ang dalawang sundalong minamaneho ng isa sa kanila ng isang itim na pick-up truck na biglang lumihis, bumangga sa poste bago tumama sa sementong bakod sa gilid ng highway.
Ayon sa ilang mga local executives, naganap ang aksidente madaling araw ng Huwebes at possible diumanong nasa impluwensya noon ng inuming nakakalasing sina Vally at Alrasid.
Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Zamboanga City Police Office hinggil sa insidente. (June 5, 2025, handout photo)
