Nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ng driver ng isang Toyota Wigo na may plakang LAF 4656 na bumulusok sa gilid ng highway at bumagsak sa isang bahay sa Barangay Rebuken sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte sa Bangsamoro region ngayong hapon ng Martes, January 28, 2025.
Inaalam pa ng mga imbestigador ng Sultan Kudarat Municipal Police Station kung ano ang dahilan ng aksidente. (January 28, 2025, handout photo)