Apat ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ng araruhin ng isang 10-wheeler truck ang isang bahay sa gilid ng highway sa Silangang Malicboy sa bayan ng Pagbilao sa probinsya ng Quezon nitong umaga ng Huwebes, June 12, 2025.
Nawalan diumano ng control ang driver ng truck dahil sa mechanical trouble kaya ito lumihis, nagawi sa gilid ng highway at nasapol ang isang lumang bahay na yari sa semi-permanent materials. (June 12, 2025, handout photo)