COTABATO CITY (October 29, 2025) — Karagdagang 26 pa na mga batang malnourished ang tumangap ang mga magulang ng tig-25 kilong bigas bilang nourishment support para sa kanila sa panibagong public service mission ng tanggapan ng isang manggagamot na kasapi ng 80-seat Bangsamoro regional parliament.
Hinatid nitong Lunes, October 27, ng humanitarian outreach team ng tanggapan ni Member of Parliament Kadil Sinolinding, Jr., isa sa 80 na mga regional lawmakers sa autonomous region, ang supply na bigas para sa 26 na mga bata sa Barangay Kapinpilan sa bayan ng Kadayangan sa probinsya ng Cotabato.
Katuwang ng tanggapan ni Sinolinding sa Bangsamoro parliament ang Rural Health Unit ng Kadayangan sa naturang aktibidad.
Ang kadayangan ay isa sa walong mga bagong tatag na Bangsamoro municipalities sa Special Geographic Area ng autonomous region, ngunit nasa Cotabato province na sakop ng Region 12.
Maliban sa pagiging parliament member, si Sinolinding, isang physician-ophthalmologist, ay siya ring namamahala ng Ministry of Health-BARMM.
Ayon sa mga barangay officials sa Kapinpilan, ang outreach mission para sa ikakabuti ng mga malnourished children sa kanilang lugar ay suportado ng chief minister ng BARMM, si Abdulrauf Macacua.