KIBLAWAN, Davao del Sur (October 15, 2025) — Naging magandang ehemplo ng Filipino “bayanihan tradition” ang pagkakaayos ng isang farm-to-market road sa Barangay Abnate sa Kiblawan, Davao del Sur na sinira ng paulit-ulit na ulan nitong nakalipas lang na buwan.

Iniulat nitong Miyerkules ng mga local officials sa Kiblawan na dahil sa pagtutulungan ng mga residente ng Abnate at ng kanilang barangay government at ng isang pribadong kumpanya, naayos ang mga sirang bahagi ng isang farm-to-market road na nag-uugnay sa kanilang mga sakahan sa sentro ng bayan.

Sa salaysay nitong Miyerkules ng barangay kapitan ng Abnate, si Wennie Pandoy, katuwang nila ang kanilang mga municipal officials at ang isang pribadong kumpanya, ang Sagittarius Mines Incorporated, sa pagkukumpuni ng sirang farm-to-market road gamit ang kanilang mga farm tools.

Ayon kay Pandoy, ang 40 na mga residenteng nagtulungan sa pag-ayos nito lang September 20, 2025 ng kanilang sirang farm-to-market road ay tumanggap ng ayudang bigas mula sa Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala na 

SMI, bilang “rice-for-work” support para sa naturang bayanihan, o pintakasi-style na inisyatibo.

“Maraming salamat sa Sagittarius Mines Incorprated sa suportang bigas para sa mga nagtulungan sa pagkukumpuni ng sirang kalsada,” ani Pandoy,

Ayon kay Pandoy at mga municipal officials sa Kiblawan, malaki na ang naitulong ng SMI sa kanilang mga local communities, kabilang ang mga sakop nilang mga etnikong Blaan, sa pamamagitan ng mga health, education at socio-economic programs na kaugnay ng corporate humanitarian activities nito.

Kontratado ang SMI ng national government na mag-operate ng Tampakan Copper-Gold Project sa Tampakan, South Cotabato. 

Bagama’t hindi pa nasisimulan ang naturang proyekto, gumastos na ang SMI ng mahigit P2 billion para sa mga community-empowerment projects nito para sa local communities, ayon kina Pandoy at sa vice mayor ng Kiblawan na si Joel Calma.

Saklaw ng nakatakda ng Tampakan Copper-Gold Project ang mga highland areas sa Tampakan, sa Kiblawan at sa mga bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat at sa Malungon sa Sarangani.

Ang vice mayor ng Malungon, si Maria Theresa Constantino, ang isa sa mga local executives na madalas na magkumpirma sa mga community dialogues ng mga positive impact sa kanilang mga sakop na mga barangay ng mga community-empowerment projects ng SMI.