Nagalak ang mga miyembro ng pioneer na regional political party sa Bangsamoro region, ang Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo (SIAP), sa pagkakatalaga kay Lanao del Sur Congressman Zia Alonto Adiong bilang bagong chairperson ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa House of Representatives.

Naibalita nito lang Biyernes, October 10, ang pagkakatalaga kay Congressman Adiong ng liderato ng Kongreso bilang chairperson ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Nagpaabot ng kanilang pagbati nitong Linggo, October 11, kay Congressman Adiong ang maraming mga local government officials na miyembro ng SIAP sa limang probinsya at tatlong mga lungsod na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kaugnay ng kanyang pamumuno ng naturang committee.

Ang SIAP ang pinakaunang naitatag na regional political party sa BARMM, may mahigit na 600,000 na mga dokumentadong mga miyembro at supporters sa rehiyon.

Mahigit 30 sa 39 na mga mayors sa sa Lanao del Sur ang miyembro ng SIAP. Ang Marawi City na kabisera ng Lanao del Sur ay balwarte din ng SIAP.

Kabilang sa mga nagalak sa pagkakatalaga kay Congressman Adiong sa kanyang bagong malaking katungkulan sa House of Representatives ang chapter president ng SIAP sa Cotabato City, ang abugadong si Naguib Sinarimbo, na miyembro ng Bangsamoro regional parliament.

Ayon kay Sinarimbo, naging local government minister ng BARMM bago na-appoint na miyembro ng 80-seat regional parliament ni President Ferdinand Marcos, Jr. nito lang March 2025, may sapat na kakayahan at kaalaman si Congressman Adiong na maging chairperson ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa 20th Congress.

Ayon kay Sinarimbo at mga SIAP officials sa Special Geographic Area ng BARMM sa probinsya ng Cotabato sa Region 12, isang karangalan para sa Bangsamoro region ang pagkakahirang kay Congressman Adiong na chairperson ng naturang committee.

Ang regional party president ng SIAP ay si Lanao del Sur Vice Governor Mohammad Khalid Rakiin Adiong.

Kabilang din sa nagpaabot ng pagbati kay Congressman Adiong ang governor ng Cotabato province, si Emmylou TaliƱo-Mendoza, na presiding chairperson ng influential na multi-sectoral Regional Development Council 12. (October 12, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)