COTABATO CITY (October 1, 2025) — Hindi na matutuloy ang nakatakdang kaunaunahan sanang October 13, 2025 parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Idineklarang unconstitutional ng Supreme Court nitong Miyerkules, October 1, ang Bangsamoro Autonomy Act 77 na maglilipat sana ng seven parliamentary districts sa Sulu sa ibang mga lugar na sakop ng BARMM matapos nitong tanggalin nitong nakalipas na taon ang naturang island province mula sa autonomous region ayon sa kahilingan ng noon ay governor nito na si Hadji Abdusakur Mahail Tan, Sr.

Ang Bangsamoro Autonomy Act 77, isinabatas ng 80-seat BARMM parliament, ang enabling measure sana para sa transfer ng seven parliamentary districts mula Sulu na hindi na sakop ng autonomous region.

Dahil sa hindi na maipapatupad ang re-distribution ng seven parliamentary districts sa ibang mga probinsya ng BARMM, iniutos din ng Supreme Court ang pagpapaliban sa October 13, 2025 elections.

Makikita sa larawan ang regional capitol ng BARMM sa uptown area ng Cotabato City, ang kabisera ng rehiyon.