Natagpuan ng mga kinauukulan na parehong wala ng buhay ang mag-amang naiulat nitong Biyernes, September 26, 2025, na nawala sa karagatang malapit sa Barangay Bagasawe sa Tuburan, Cebu.

Unang naiulat na nanghuli ng isda, gamit ang fishnet, ang mag-amang sina Marcelino Suelto, 69-anyos, at kanyang 49-anyos na anak na si Joselito, at hindi na nakauwi mula noon.

Unang natagpuan nitong Sabado, wala ng buhay, lumulutang sa dagat, si Suelto at sunod namang nakita, makaraan ang ilang oras, ang kanyang anak na si Joselito.

Mga kapwa nila mangingisda at mga kasapi ng Philippine Coast Guard at mga barangay officials ang nakatagpo sa kanilang mga bangkay, ayon sa ulat ng mga kinauukulan nitong Linggo, September 28.

Nagsasagawa pa ng kaukulang pagsisiyasat ang Philippine Coast Guard at ang Tuburan Municipal Police Station upang matiyak kung ano talaga ang nangyari sa mag-ama na parehong nasawi sa pagkakalunod. —- September 28, 2025, Tuburan, Cebu (Handout photo, Albert Sortones Quijano)