Tatlong mga batang babaeng magkaklase sa Marquez Elementary School sa Cotabato City na tinangay ng rumaragasang tubig habang naliligo nitong Huwebes, September 25, sa gilid ng Matampay River hindi kalayuan sa supermarket area ng lungsod ang natagpuan na at nasagip habang isa ang hinahanap pa ng mga rescuers ng city government.

Nabatid, mula sa inisyal na pahayag ng mga kinauukulan, na naliligo ang mga bata ng tangayin ng tubig baha na biglang rumagasa sa ilog na dumadaloy patungong west coast ng Cotabato City.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office ng administrasyon ni Mayor Bruce Matabalao.

Ang rescue mission ay nagresulta na sa inisyal na pagkakatagpo sa tatlong mga bata, dalawa sa kanila mga babae na parehong nasa maselang kalagayan, ayon sa mga kinauukulan. (September 26, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)