Arestado ang isang dating public school teacher at ang kanyang kasabwat na babae sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 sa Barangay Concepcion sa Koronadal City, South Cotabato nitong Miyerkules, June 25, 2026.

Sa ulat ng regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 nitong Biyernes, June 27, hindi na pumalag pa ang dalawang suspects ng arestuhin ng mga PDEA-12 agents at mga pulis na kanilang na nabentahan ng P374,000 na halaga ng shabu sa Purok Bonifacio sa Barangay Concepcion sa Koronadal City.

Ang lalaking guro na naaresto sa naturang PDEA-12 entrapment operation na suportado ng mga units ng Koronadal City Police Office at ng South Cotabato Provincial Police Office ay tatlong beses ng nakulong sanhi ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naging dahilan ng kanyang pagkaka-terminate bilang isang teacher ng Department of Education.

Sa ulat ng PDEA-12, parehong naka-detine na ang dating guro at kanyang kasabwat na babae, nasampahan na ng kaukulang kaso gamit ang P374,000 na halaga ng shabu na nasamsam mula sa kanila bilang ebidensya. (June 27, 2025)