Isang motorista ang malubhang nasugatan sanhi ng ambush sa Sebucao sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong umaga ng Martes, June 24, 2025.
Sakay ng motorsiklo ang biktima, inisyal na nakilala lang na Rem-Rem Maglinte, residente ng Guipos, Zamboanga del Sur, ng paputukan ng mga nakaabang sa kanya sa highway sa Barangay Sebucao sa Dumalinao.
Nagawi sa isang konkretong kanal sa gilid ng highway ang biktima at ang kanyang motorsiklo ng magtamo ito ng mga tama ng bala sa katawan. Agad namang siyang naisugod sa isang hospital upang malapatan ng lunas.
Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Dumalinao Municipal Police Station hinggil sa insidente. (June 24. 2025)
