Magkatuwang na nakumpiska ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9 ang pitong kilong pinatuyong marijuana sa isang entrapment operation madaling araw ngayong Sabado, June 21, 2025, sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9, agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga anti-narcotics agents ang dalawang lalaking nagbenta sa kanila ng pitong kilong marijuana sa entrapment operation sa isang madilim na lugar sa Barangay Pasonanca.

Nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Office ang dalawang suspects at ang pinatuyong marijuana na nasamsam mula sa kanila. Silang dalawa ay nahahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (June 21, 2025, handout photo)