Sapol ng isang unit ng Yellow Bus Company ang likurang bahagi ng isang kotseng nasa unahan nito matapos mag-overtake ang bus sa sinusundang truck sa isang bahagi ng Koronadal-Tacurong Highway sa Barangay Morales sa Koronadal City nitong umaga ng Huwebes, June 19, 2025.
Isang direksyon lang ang tinahahak ng bus at ng kotseng nabangga nito. Wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. (June 19, 2025, handout photos)
