Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang 78-anyos na lolo at ang kanyang menor-de-edad na apo ng tambangan ng mga armado sa Barangay Calabasa sa Zamboanga City nitong umaga ng Martes.
Sa ulat ng Zamboanga City Police Office nitong Miyerkules, magkaangkas sa motorsiklo sina Ronaldo Tumambid at ang kanyang apo, si Marjon, 17-anyos, ng tambangan ng mga armadong nakaabang sa gilid ng kalye sa Sitio Dulian sa Barangay Calabasa ng pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa kanila.
Mabilis na nakatakas ang mga salarin bago pa man makarating sa pinangyarihan ng ambush at mga barangay tanod at community leaders na nag-responde sa insidente.
Agad na namatay si Tumambid at ang kanyang apo sanhi ng mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan, ayon sa mga barangay officials at mga pulis na nagtutulungan sa pagkilala sa mga responsable sa krimen upang masampahan ng kaukulang mga kaso. (June 18, 2025)
