Parehong nagtamo ng mga galos at pasa sa katawan ang mga riders ng dalawang motorsiklong nagsalpukan sa isang bahagi ng kalye sa Barangay Sengal sa Lamitan City nitong Huwebes, June 12, 2025.

Hindi naman malubha ang kalagayan ng mga biktima ng aksidente, ayon sa mga lokal na kinauukulan. (June 13, 2025)