Dalawang menor-de-edad na lalaking mga estudyante ang nakumpiskahan ng marijuana ng mga pulis sa isang checkpoint sa Barangay Busbus sa Jolo, ang kabisera ng Sulu, nitong gabi ng Martes, June 10, 2025.

Nagduda ang mga pulis sa checkpoint na may dala silang mga baril at dahil din sa walang plaka ang kanilang sinasakyang Honda Click kaya sila pinigil, kinapkapan at nabisto kalaunan na may mga dala pala silang marijuana.

Kinumpirma ng chief of police ng Jolo, si Lt. Col.Annidul Sali, ang pagkakaresto ng dalawang mga menor-de-edad na nakunan ng tatlong sachets ng tuyong marijuana.

Dahil sa mga menor-de-edad pa, ang dalawa ay nasa magkatuwang na kustodiya na ng Jolo social welfare office at ng mga opisyal ng Jolo municipal police force. (June 11, 2025, handout photo)