Patay ang isang ama at kanyang dalawang anak ng masapol ng isang bus ang kanilang motorsiklo sa Barangay Laboy sa Matnog, Sorsogon kamakalawa.
Kinumpirma nitong Lunes, June 9, 2025, ng Matnog Municipal Police Station ang agad na pagkasawi ng 41-anyos na motoristang ama sa naturang aksidente.
Na deklarang dead on arrival ang kanyang kaangkas na dalawang-taong gulang na anak ng mga doctor sa isang hospital kung saan ito at ang kanyang 17-anyos na kapatid ay isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Pumanaw din sa pagamutan kalaunan ang 17-anyos na anak ng amang motoristang nasawi sa insidente. (June 10, 2025)
