Isang residente na naman ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur ang nabaril sa sentro ng naturang bayan nitong gabi ng Huwebes, June 5, 2025.
Sugatan sa kaliwang paa ang biktima na agad namang naisugod ng mga kinauukulan sa hospital upang malapatan ng lunas.
Mahigit 10 na ang mga napatay sa mga serye ng mga pamamaril sa Shariff Aguak bago nagsimula ang campaign period kaugnay ng May 12 2025 elections, ilan sa mga biktima mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team, o mga barangay tanod na on-duty.
Naniniwala ang mga local officials sa Shariff Aguak na ang naturang mga insidente ay may kinalaman sa pulitika, posibleng ginawa upang hiyain ang administrasyon ni Mayor Akmad Baganian Ampatuan na na-reelect nitong May 12, 2025 elections. (June 6, 2025) Panibagong