Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang lalaking binaril sa tapat ng isang bilyaran sa Barangay Conel sa General Santos City nitong gabi ng Linggo, June 1, 2025.

Sa ulat ng General Santos City Police Office, nakarinig ng tatlong putok ang mga residente ng Purok 6 sa Barangay Conel at nakita na lang nilang may isang lalaking nakabulagta na malapit sa bilyaran sa naturang lugar, duguan.

Namatay din agad sa mga tama ng bala ang biktima, nakilala lang sa palayaw na Tata, ayon kay Barangay Conel Chairwoman Tessie Agbayani.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa biktima, ayon sa mga saksi.

Inaalam pa ng mga imbestigador mula sa General Santos Police Station 9, na sakop ang Barangay Conel, kung sino ang responsable sa naturang krimen. (June 2, 2025)