Agad na namatay ang isang motoristang Moro, si Bumboro Talusan Sultan, ng ma-sapol ng isang dump truck ang kanyang motorsiklo sa Rizal Avenue sa sentro ng bayan ng Kabacan sa probinsya ng Cotabato nitong tanghali ng Lunes, May 26, 2025.

Si Sultan ay residente ng Barangay Bulit sa hindi kalayuang bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao del Sur.

Agad namang nagpakustodiya na sa Kabacan Municipal Police Station ang driver ng truck na nasangkot sa aksidente. (May 26, 2025)