Agad na namatay ang isang lalaking negosyante miyembro ng LGBTQ community ng barilin ng 11 beses sa Lemente Village sa Barangay Central sa Mati City, Davao Oriental nitong gabi ng Linggo, May 25, 2025.
Kinumpirma nitong Lunes ng mga opisyal ng Mati City Police Station at ng Davao Oriental Provincial Police Office ang pagkasawi sa naturang insidente ng 29-anyos na si Niño Dagsoan Librea, residente ng Sitio Gemelina sa Barangay Don Salvador Lopez sa Mati City.
Ang napaslang na si Librea ay isang negosyante at may teorya ang mga kinauukulan sa Mati City na posibleng pagnanakaw ang motibo ng naturang krimen dahil tinangay ng salarin ang kanyang bag na may lamang pera.
Posible diumanong kilala ni Librea ang salarin kaya siya pinatay nito. Mabilis na nakatas ang suspect, pinaghahahanap na ng mga barangay officials at mga kasapi ng lokal na pulisya. (May 26, 2025, handout photo)
