Ilang mga pamilyang Moro ang napilitang lumikas sa mga ligtas na lugar sanhi ng mga palitan ng putok ng mga animo mga pagano, pagans sa wikang English, o walang relihiyon, na mga grupo sa Barangay Midconding sa General Salipada K. Pendatun sa Maguindanao del Sur.

Para sa mga bakwit, kasuklam-suklam ang mga gawain ng dalawang naglalabang mga grupo na para sa kanila ay walang diyos na pinaniniwalaan. (May 25, 2025)