Nakumpiska ng mga pulis ang P1.02 million na halaga ng shabu sa isang dealer na nalambat sa Barangay Kabuntalan sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Biyernes, May 23, 2025.

Kinumpirma ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaaresto kay Usop Guiamad Sugadol sa naturang entrapment operation na nag-resulta sa pagkakumpiska mula sa kanya ng 150 gramo ng shabu.

Kasama sa target ng naturang anti-narcotics operation, ikinasa ng mga tropa ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin, ang kasabwat ni Sugadol na si Samrod Akmad mabilis na na nakatakas ng mahalatang mga pulis ang kanilang bebentahan ng P1.02 million na halaga ng shabu.

Ayon kay Macapaz, naikasa nila Madin ang naturang operasyon sa tulong ng mga impormanteng nag-ulat sa kanila hinggil sa malakihang pagbebenta ng shabu nila Sugadol at Akmad.

Agad na inaresto ng mga tauhan ni Madin si Sugadol matapos nilang mabilhan ito ng P1.02 million na halaga ng shabu sa Barangay Kabuntalan sa Sultan Kudarat. (May 23, 2025)