Agad na nadetine ang isang lalaking Bisaya at Maguindanaon na babae na may P2.7 million na halaga ng shabu sa loob ng kanilang kotse, nasabat ng mga pulis at mga local officials sa isang checkpoint sa poblacion ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Linggo, September 14, 2025.

Sa ulat nitong Lunes, September 15, ng mga at local executives sa Shariff Aguak, kabilang sa kanila si Mayor Akmad Ampatuan, nakadetine na ang mga suspects na sina Junnie Tuazon at Saida Sandigan sa isang police detention facility, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, pinigil ng mga tropa ng Shariff Aguak Municipal Police Station ang itim na kotse ng dalawa para sa isang routine inspection lang sana, kaugnay ng kanilang security operations para sa October 13, 2025 Bangsamoro regional elections, ng bigla silang naging balisa at, ng pinabuksan na ang kanilang sasakyan, ay nakita ang kanilang dalang 400 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P2.7 million.

Agad na inaresto ng mga kasapi ng Shariff Aguak police force, sa pamumuno ni Major Pablo Boloy, Jr., at ng municipal officials, sina Tuazon at Sandigan ng makumpiska ang shabu na kanilang natagpuan sa loob ng kanilang sasakyan.

Si Tuazon ay residente ng Barangay Apopong sa General Santos City habang taga Barangay Balontay sa Alabel sa probinsya ng Sarangani naman si Sandiganm hindi kalayuan sa naturang lungsod.

Pinasalamatan nitong Lunes ni De Guzman at ng director ng Maguindanao del Sur provincial police, si Col. Salman Sapal, ang mga local officials sa Shariff Aguak na tumulong sa pagsasagawa ng election-related checkpoint operations na nag-resulta sa pagkakumpiska ng P2.7 million na halaga ng shabu mula sa dalawang naka-detine ng suspects. (September 15, 2025, Maguindanao del Sur, Bangsamoro Region)