COTABATO CITY (Sept. 4, 2025) sa 187 na mahirap na mga residente ng Barangay Gli-Gli sa Ligawasan, isang bagong tatag na Bangsamoro municipality sa probinsya ng Cotabato sa Region 12, ang naka-benepisyo sa isang medical outreach mission nitong Miyerkules, September 3, ng tanggapan ng isang miyembro ng regional parliament sa autonomous region, ang physician-ophthalmologist na si Kadil Monera Sinolinding, Jr.
Maliban sa kanyang pagiging regional lawmaker, Si Sinolinding ay health minister din ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa ulat nitong Huwebes ni Lorna Latip, barangay chairwoman ng Gli-Gli, at ng municipal officials ng Ligawasan, 63 na mga etnikong Maguindanaon at mga bisaya mula sa mga settler communities sa kanilang lugar ang nabigyan ng libreng mga reading glasses ng medical service group ng tanggapan ni Sinolinding.
Suportado ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua, ng Ministry of Health-BARMM at ng mga kawani ng pribadong Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato ang naturang humanitarian activity.
Ayon kay Latip at iba pang mga local officials, 26 na may mga cataract at pterygium ang mga mata ang nasuri at nakatakda ng sumailalim sa surgical procedure na mismong si Sinolinding, isang eye surgeon na nagpakadalubhasa sa India, ang magsasagawa.
Mahigit 80 pa na mga residente ng Barangay Gli-Gli na may mga karamdaman ang nasuri at nabigyan ng libreng gamot, ayon kay Latip at mga traditional Moro leaders sa Ligawasan.
Abot na ng 9,326 na mga mahihirap na mga Muslim, mga Kristiyano at mga indigenous people, marami sa kanila mga eye patients, sa BARMM Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato, sa mga bayan sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte at Cotabato City sa Bangsamoro region ang natulungan nila Sinolinding mula ng siya ay itinalagang kasapi ng regional parliament ng autonomous region nitong 2022 ni President Ferdinand Marcos, Jr.