Abot sa 317 na mga residente ng dalawang mga barangays sa Cotabato City — ang Mother Barangay Bagua at Bagua 1 — ang naka-benepisyo sa isa na namang medical mission nitong Miyerkules, August 20, 2025, ng tanggapan ng isang abugadong miyembro ng regional parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

Nagtulungan sa naturang medical mission ang public service team ng tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Naguib Sinarimbo, ang mga manggagamot mula sa Ministry of Health-BARMM na nasa ilalim ng pamamahala ni Health Minister Kadil Sinolinding, Jr. at ang tanggapan ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacaua.

Mahigit 3,000 na, kabilang ang mga buntis, senior citizens at mga bata, na nakatira sa ibat-ibang mga barangay sa Cotabato City at sa Special Geographic Area ng BARMM sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 ang nasuri at nabigyan ng libreng mga gamot para sa kanilang mga karamdaman ng outreach team ng tanggapan ni Sinarimbo nitong nakalipas na tatlong buwan.

Nanilbihan bilang BARMM local government minister si Sinarimbo bago siya itinalagang miyembro ng 80-seat Bangsamoro regional parliament nito lang March 2025 ni President Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Sinarimbo katuwang ng kanilang medical mission team sa pagse-sebisyo publiko ang doctor na si Sinolinding na maliban sa kanyang pagsisilbi bilang health minister ng autonomous region ay miyembro din ng BARMM regional parliament. (August 22, 2025, Cotabato City, Bangsamoro Region)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *