Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency ang abot sa P6.8 million na halaga ng shabu sa isang dealer na kanilang nalambat sa Barangay Chinese Pier sa Jolo, Sulu nitong Lunes, May 19, 2025.

Hindi na pumalag ang 37-anyos na suspect, si Abdul Munim Burani Akmad, ng arestuhin ng mga kasapi ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mga pulis na kanyang nabentahan ng isang kilong shabu sa isang lugar sa Serantes Street sa Barangay Chinese Pier sa Jolo, ang kabisera ng Sulu.

Kinumpirma nitong Martes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, na nakapiit na sa isang detention facility ang suspect, nahaharap na sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Ayon kay Castro, kanilang naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakumpiska mula sa suspect ng isang kilong shabu, nagkakahalaga ng P6.8 million, sa tulong ng Jolo Municipal Police Station, ng Sulu Provincial Police Office, at ng tanggapan ni Brig. Ge. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region. (May 20, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *