Nagkabutas-butas sa mga tama ng bala ang isang kotseng pinagbabaril ng mga armadong sakay ng mga motorsiklo habang nito tinatahak ang isang bahagi ng highway sa Purok Dableston sa Sultan Naga Dimaporo nitong umaga ng Miyerkules, May 14, 2025.

Masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang driver ng kotse, ayon sa mga imbestigador ng Sultan Naga Dimaporo Municipal Police Station.

Mabilis na nakatakas ang mga lalaking nag-ambush ng kotse. Inaalam pa ng pulisya kung sino sila at ano ang kanilang motibo sa naturang pananambang. (May 14, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *