Agad na namatay sa tinamong injuries ang magkaangkas na motorista na nabundol isang truck sa Malaybalay City sa Bukidnon nitong gabi ng Martes, May 6, 2025.

Nasa magkabilang panig ng highway ang truck at motorsiklo na biglang lumihis patungo sa kasalubong na truck kaya naganap ang aksidente, ayon sa mga imbestigador ng Malaybalay City Police Station at sa mga nakasaksi ng pangyayari.

Posible diumanong lasing ang mga sakay ng motorsiklong nasawi sa aksidente, ayon sa mga lokal na kinauukulan. (May 7, 2025, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *