Abot sa 230 na mga pamilyang Badjao, Sama at Tausug ang nawalan ng mga tahanan sanhi ng sunog sa isang seaside area sa Barangay Labangal sa General Santos City bandang hatinggabi nitong Lunes.

Sa inisyal na ulat nitong umaga ng Martes ng mga city officials at mga kawani ng General Santos City Disaster Risk Reduction and Management Office, nailikas na sa mga relief sites ang mahigit 900 na mga indibidwal na apektado ng sunog at nabigyan na rin sila ng inisyal na ayudang food supplies.

Ayon sa mga opisyal ng General Santos City, inabot ng apat na oras bago tuluyang naapula ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection ang sunog na tumupok sa mahigit 200 na mga maliit na istrukturang gawa lang sa semi-permanent materials.

Magkatuwang na inaalam pa ng mga opisyal ng BFP sa Region 12 at ng General Santos City Police Office kung ano ang nagsanhi ng naturang sunog. (MAY 6, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *