Isang sasakyan ang gumulong at lumagpak ng patihaya matapos makabundol ng isang motorsiklo, na nagsanhi ng pagkagulat ng driver nito kaya nawalan ng control ng manibela, sa isang bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Malasila sa Makilala, Cotabato nitong madaling araw ng Lunes, May 5, 2025.
Sugatan sanhi ng insidente ang mga sakay ng motorsiklo at sports utility vehicle na sangkot sa insidente. Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Makilala Municipal Police Station hinggil sa insidente. (May 5, 2025, handout photo)