Wasak ang isang kotseng nawalan ng control ang driver at bumangga sa isang center barrier, o center island, sa isang bahagi ng highway sa Barangay Poblacion 8 sa Midsayap, Cotabato nitong hapon ng Linggo, May 4, 2025.

Patungong north area ng Midsayap ang dalawang sakay ng kotse, ayon sa mga kinauukulan. Nawalan diumano ng control ng manibela ang driver ng kotse ng biglang may humaharurot na sasakyang mas malaki na nagtangkang mag-overtake na kanyang ikinabigla at, sa kanyang biglang pag-iwas ay kanilang nabangga ang center barrier.

Nasa ligtas na kalagayan naman ang dalawang sakay ng kotse. (May 4, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *