Tinupok ng apoy ang tanggapan ng Cotabato Electric Cooperative sa Barangay Manubuan sa Matalam sa probinsya ng Cotabato bandang hatinggabi nitong Huwebes, May 1, 2025.
Sa inisyal na ulat lokal ng mga lokal kinauukulan, ang insidente ay nagsanhi ng pagkawala ng supply ng kuryente sa maraming mga lugar sa magkakatabing mga bayan ng Matalam, Kabacan at Carmen, lahat sa probinsya ng Cotabato.
Madaling araw na ng ganap ng maapula ang sunog ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection mula sa Matalam Fire Station at mula sa mga karatig na bayan. (MAY 2, 2025)