Dalawang tao ang nakunan ng halos 300 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P2 million, sa isang entrapment operation sa Barangay Matampay sa Marawi City, Lanao del Sur nitong hapon ng Biyernes, August 8, 2025.
Kinumpirma nitong Sabado ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nakakulong na ang suspects, sina Maulana Nazzer Asis, 31-anyos at ang kanyang 30-anyos na babaeng kasabwat na si Aspira Usman Camid, nalambat sa isang police operation na sinuportahan abugadong vice mayor ng Marawi City, si Maju Gandamra, at ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr.
Ayon kay De Guzman, agad na inaresto ng mga magkasanib na mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit ng PRO-BAR, ng Marawi City Police Station at iba pang mga units ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang dalawang suspects ng mabilhan 300 gramo ng ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Matampay sa Marawi City.
Ayon sa mga kasapi ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council, sangkot sa malakihang pagbebenta ng shabu sina Asis at Camid na may mga contacts sa ilang mga bayan sa Lanao del Sur at sa hindi kalayuang Iligan City na sakop ng Region 10.
Ayon ka De Guzman, gagamiting ebidensya sa paglitis sa dalawang suspects sa korte ang P2 million na halaga ng shabu na nakumpiska sa kanila. (August 9, 2025, Marawi City, Lanao del Sur, Bangsamoro Region)