Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P1.7 million na halaga ng shabu mula sa isang dealer na na-entrap sa isang motel sa Barangay Guiwan sa Zamboanga City nitong madaling araw ng Huwebes, August 7, 2025.
Kinumpirma ng mga opisyal ng Zamboanga City Police Office at ng Police Regional Office-9 na naka-detine na ang lalaking suspect, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002.
Sa ulat ng PRO-9, hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng mga hindi unipormadong mga pulis na kanyang nabentahan ng 250 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1.7 million, sa isang entrapment operation sa Lucky Star Motel sa Barangay Guiwan.
Ang nakakulong ng suspect na isang college student ay residente ng SouthCom Village sa Calarian, Zamboanga City.
Ayon sa mga opisyal ng PRO-9, naikasa ang entrapment naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga local executives sa Zamboanga City at ng mga impormanteng alam ang pagbebenta ng shabu ng naka-detine ng suspect.
Makikita sa larawan ang mga hindi unipormadong pulis na sinisiyasat at dino-dukomento ang mga shabu at iba pang mga personal belongings na nakumpiska sa shabu dealer na kanilang nalambat sa isang motel sa Zamboanga City. (August 8, 2025, Zamboanga City, Region 9)