Patay sa mga tama ng saksak ang isang misis na nag-ugat sa pakikipagtalo sa mister dahil sa Facebook post, sa San Mateo, Rizal,naganap Miyerkules ng umaga.
Kinilala ng San Mateo Municipal Police Station, nasawing biktima na si Mary Ann Manzanillo, 34,guro,residente ng Rodriguez, Rizal na nagtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan.
Kusang sumuko naman sa mga otoridad ang mister na si alyas “Herson”, 37, barbero, na mahaharap sa kasong parricide.
Sa imbestigasyon, alas-7:10 ng umaga nang maganap ang krimen sa bahay ng mag-asawa.
Habang nagkakape umano ay nagtatalo na ang dalawa hinggil sa Facebook post at sa sobrang init na ng away ay binuhusan ng kape ng suspek sa mukha ang misis at sinundan pa ng ilang beses na inundayan ng saksak.
Isinugod pa sa San Mateo Medical Center ang biktima na binawian ngbuhay habang nilalapatan ng lunas. (Pilipino Star Ngayon, Ed Amoroso ay Ludy Bermudo, July 25, 2025)