Isa ang nasawi, isa ang na-rescue na at dalawa pa ang hinahanap matapos matabunan ng putik at mga bato galing sa mataas na lugar ang isang barracks ng mga construction workers sa isang lugar sa hangganan ng Silang sa Cavite at Tagaytay City nitong umaga ng Huwebes, July 24, 2025.
Sa ulat ng mga kawani ng Tagaytay City Disaster Risk Reduction and Management Office, umulan muna ng matagal sa kapaligiran bago nagka-landslide.
Dumausdos, kasunod ng malakas, matagal na ulan sa kapaligiran, ang lupang lumambot sa kabundukan sa Barangay Cabangaan at natabunan ang barracks ng mga construction workers sa Barangay Iruhin na may proyekto sa naturang lugar.
Dalawang construction workers pa na natabunan ng putik ang hinuhukay, hinahanap pa ng mga rescuers na mga pulis, mga kasapi ng Bureau of Fire Protection at mga kawani ng Tagaytay City CDRRMC, ayon sa mga ulat ng media outfits sa Luzon at Metro Manila nitong umaga ng Biyernes. (July 25, 2025, handout photo)