Home » Pulong para sa kapayapaan at kaunlaran

Pulong para sa kapayapaan at kaunlaran

Nagkasundo ang peace advocate na governor ng Cotabato, ang bagong na-reelect na si Emmylou Taliño-Mendoza, at mga Moro leaders sa Pagalungan, Maguindanao del Sur at sa Bangsamoro Special Geographic Area (SGA) na palawigin ang kanilang kooperasyon sa mga programang makakapabuti sa mga Moro sectors bilang suporta sa Mindanao peace process.

Mismong ang ngayon ay second-termer ng si Governor Mendoza at ang bagong halal na si Mayor Renz Tukuran ng bagong tatag na bayan ng Nabalawag na sakop ng Bangsamoro region, ngunit nasa Cotabato province, ang dumalaw nitong Biyernes, June 27, 2025 sa tanggapan ng ngayon ay outgoing three-termer ng mayor ng Pagalungan, si Salik Mamasabulod, at, doon, kanilang tinalakay ang naturang mga positibong governance objectives na kanilang pagtutulungang isasagawa.

Kasama din sa naturang pagpupulong ang bagong halal na mayor ng Pagalungan, si Abdillah Mamasabulod, na naging vice mayor muna bago na-elect na mayor nitong nakalipas na May 12, 2025 elections. Ang ngayon ay three-termer at outgoing mayor na si Mamasabulod ay nahalal naman noon na municipal councilor sa Pagalungan.

Si mayor-elect Mamasabulod, magsisimulang manungkulan bilang mayor ng Pagalungan sa Lunes, June 30, ay dati na ring kasama sa mga joint peace and development efforts ng tanggapan ni Governor Mendoza at ng mga local government units sa Cotabato.

Saklaw din ng pro-Moro humanitarian initiatives ng tanggapan ni Governor Mendoza ang 63 barangays sa Special Geographic Area, ngayon binubuo na ng walong mga bayan na sakop ng Bangsamoro government, ngunit nasa teritoryo ng probinsya na sakop ng Region 12.

Suportado nila Chief Minister Abdulrauf Macacua ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang mataas na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front, at BARMM Labor and Employment Minister Muslimin Sema, chairman ng Moro National Liberation Front, ang liderato sa Cotabato ni Governor Mendoza sa kabila ng hindi sakop ng Bangsamoro government ang kanyang probinsya. (June 28, 2025, Facebook images, courtesy of ZM Vlogs)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *