Tiwala ang 45 na mga barangay kapitan ng Lamitan City at mga residenteng sakop nila na muling makakatanggap ng ilan pang mga Seal of Good Local Governance (SGLG) award mula sa central office ng Department of the Interior and Local Government ang kanilang local government unit sa ilalim ng pamumuno ng kanilang reelected mayor na si Roderick Furigay.
Iniulat nitong Sabado, June 7, 2025, ng mga barangay officials sa Lamitan City, isa sa dalawang lungsod sa Basilan, na sabay na nanumpa kamakalawa sa kanilang mga katungkulan si Mayor Furigay, ang kanilang re-elected mayor na si Hegem Furigay at mga city councilors na nahalal nitong May 12, 2025 elections sa isang seremonyang ginanap sa isang function facility ng kanilang LGU.
Parehong unopposed, o walang katunggali, si Mayor Furigay at Vice Mayor Furigay nitong katatapos lang na halalan.
Kilala sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang Lamitan City dahil sa pagtanggap nito ng pitong SGLG mula sa DILG central office nitong nakalipas na walong taon.
Ang taunang paggawad ng DILG central office ng SGLG sa mga municipal, city at provincial governments sa bansa ay batay sa performance, sa mga public service programs at pagpapatupad ng mga ito ng mga proyektong kaugnay ng peace and security activities ng pamahalaan.
Hindi iginagawad ng DILG central office ang SGLG sa mga LGUs na ang mga opisyales at may mga problemang kinakaharap sa Commission on Audit at Ombudsman, may mga pending na criminal cases sa korte, o sangkot sa illegal na mga gawain. (June 7, 2025)